IKAW BA SI SUPERMAN?By Minette D. Aralar

IKAW BA SI SUPERMAN?
By Minette D. Aralar

Ikaw ba si Superman?
At ako naman si Lois Lane?

Sa titig mo, ako ay natutunaw
Sa iyong ngiti, ako ay nahuhumaling
Sa iyong yakap, ako ay nababaliw

Sa iyong paglipad
Lumulukso sa galak
Ang aking puso

Sa iyong piling
Wari ko’y  ako ay nasa langit
Ayaw ko nang bumaba
Ayaw ko nang lumisan pa

Di man sa akin ang iyong buong pansin
Kahati ko man ang mundo
Ang mahalaga dahil sa iyo
Ako ay laging masaya

Sabihan mo nga,
Ikaw nga ba ang aking Superman?

Author’s Bio

Minette Aralar – A Mass Communication graduate major in Journalism and an educator in one of the prominent institutions in Metro Manila, she takes a break from the tedious academic load by writing a few pieces of free-verse poetry.

*featured image from Unsplash

8 comentarios en “IKAW BA SI SUPERMAN?By Minette D. Aralar

Deja un comentario