Dapit Hapon by Bernadette Gagtan Driza

Dapit Hapon by Bernadette Gagtan Driza

Agaw dilim

Ito ba ang paglubog ng araw sa kanluran

Paglubog na di ko kayang pagmasdan 

Ito na ba ang katapusan ng ating himig

Ang huling liriko sa ating awit

Ang pagtigil ng tugtog

At paglimot sa malamyos na tinig

Eto na ba ang pagwawakas ng istorya

Istoryang simulan ko mang muli ay di ka na kasama

Ito na nga ba ang pagsasara ng libro

Na may lamang kwento tungkol sa ikaw at ako

Ang tuldok sa mga talata ng alaala

Ang pagtiklop ng mga pahina

At pagbura ng bawat letra na bumubuo ng iyong mga salita… 

Ito na ba ang pagkawasak ng aking puso

Ang katapusan ng aking mundo… 

Mundong umiinog para sa yo… Para sa yo

Author’s Bio

Bernadette is A Journalism Graduate from Centro Escolar University.  A wife and a mother of two, a public servant for 20 years, and a disaster risk reduction and management officer in her hometown, Calintaan, Occidental Mindoro since 2017.

5 comentarios en “Dapit Hapon by Bernadette Gagtan Driza

Deja un comentario